Search This Blog

Monday, July 1, 2019

My Forever

by: jj

hi po! ishashare ko lang po yung love story namin ng aking partner. Medyo proud lang po kasi despite sa sinasabi ng iba na madalas pag same sex relationship ay hindi daw nagtatagal pero napatunayan namin iyon ng partner ko na hindi totoo. Mag 15 years na po kami actually going 16 years na kasi anniversary na ulit namin next month. Since college palang nagstart yung relationship namin. Aaminin ko maraming beses na rin kaming nag away to the point na nagkahiwalay kami pansamantala. Pero sabi nga nila kung kayo kayo talaga. Mga 2 months din nagtagal ung cool-off namin bago kami nagkabalikan ulit. Hindi madali. Yung pinakachallenge is yung darating kayo sa point na wala na gaanong spark. Yung  parang boring na. Dun talaga matetest yung tibay ng relationship niyo. Pero siguro dahil pareho kaming kuntento sa isa't isa kaya mas lalong tumibay pagsasama namin. At this point na rin napag uusapan na rin namin yung magkaroon ng sariling pamilya actually. We are planning to adopt or gayahin yung ginawa ni joel cruz na humanap ng surrogate. Sana nainspire namin kayo. Gud luck sa paghahanap ng mga forever niyo!


tags: tagalog gay stories

1 comment: